Nakakapang init talaga ng ulo mga balita kagabi. Lahat na lang yata tumataas! Pero sobra naman talaga ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng bigas. Sa isang iglap lang, ang dating commercial rice na 18 pesos ang kilo, 37 na ngayon! Pambihira!
Bigla ko natanong si Manong Apol (hehe) kung meron bang eksplinasyon ang gobyerno dito sa nangyayaring krisis sa bigas. At eto ang eksplinasyon nya. Sabi daw ng Gobyernong Arroyo, sapat daw ang supply (NASAAN?!?!!) Marami lng daw na mga negosyanteng nanghoHOARD ng mga bigas at nilalabas lang pag mahal na ang presyo. E ganun naman pla! Bkit di nila hulihin ung mga hinayupak na un? Grrrrr! (Hmm... siguro di nila kayang hulihin mga kamag-anak nilang negosyante?) Nakakaasar talaga naman di ba? Sapat daw ang supply pero ang mahal ng presyo. Ano ba yun? joke? Di nakakatuwa!
Nakakalungkot isipin na ung mga mga palayan at luntiang tanawin na nadadaanan ko pag umuuwi ako ng Cavite, wala na... Iba't ibang kulay na sila na mga bubong ng iba't ibang commercial establishments. I go for GROWTH. Pero naman tsong! Pag ganito namang nagugutom ang mga tao, gugustuhin ko na lng tumira sa bundok kesa naman nakatingala nga ako sa mga magagandang buildings pero pagbaba ng tingin ko, daming batang nagtutulak ng kariton.
Sa katulad ko na minsan ay di naguubos ng kanin, talagang nagiguilty ako. Kaya nga simula ngayon, uubusin ko na lahat ng butil ng kanin na nasa pinggan ko. Iisipin ko na lang lahat ng tao na napapagod sa kakapila sa gitna init ng araw para lng makabili ng murang bigas. At sana naman, tigilan muna natin ang pagcoconvert ng mga palayan sa mga subdivisions at bigyan sana ng pansin ng gobyerno ang ating mga MAGSASAKA. Please lang po...

7 comments:
binx, wag ka manghinayang ubusin ang kanin sa plato mo...para mabilis kang lumaki...saka na ako mag kokoment ng mejo may sense...inaantok pa ako...hehehe..
ok na sana eh, kaso may manong pa. LOL
may suggestment ako kapag nagkulang na talaga sa bigas.
Mas mabilis makabusog 'to!
hay naku ethan... ginawa mong kape ang blog ko...itulog mo kc yan. :)
sabi ko na nga ba e... ang mahiwagang kamote un!
eh bakit walang ulam yung kanin mo? kunsabagay dapat tayo magtipid kaya kanin na lang lamunin natin at huwag ng mag-ulam hehehe
dear, sad to say e kahit dito sa singapore nagtaasan lahat. singapore gov is even promoting frozen meat lately kasi mura. at tumaas din ang presyo ng bigas dto. either there really is a shortage or bagsak ang economy ng buong asia. actually pati sa us din ata. they are having shortage naman sa wheat duon kaya asahan mo na tataas naman jan ang resyo ng pandesal.
ayan.. nahahawa na tuloy ako sa mga sentimyento mo. pero kung ano man ang dahilan ng lahat ng ito, bottom line is kayod kalabaw na ako dito pero gutom pa rin ang pamilya ko sa pinas!
kenes!
winkipinki? ann kaw ba yan? heheh!
hmm... kahit jan pala taghirap din. balik ka na lng kaya sa filipens. :)
Post a Comment