Di talaga kinaya ng powers ko ang init kahapon. Sobrang sakit talaga ng ulo ko dahil sa init so we went to MOA para magpalamig. Bumili kame ng Choco Loco Super from Quickly. Fav ko to! I remember, when I was still in Client Logic, there was a Quickly store in the building. I always had to stop over the store before going to work.
We decided to watch SHUTTER. Hmm... ok rin naman ung kuwento nung movie.
"A newlywed couple Ben and Jane move to Japan for a promising job opportunity - a fashion shoot in Tokyo. During their trip on a dark forest road they experience a tragic car accident, leading to the death of a young local girl. Upon regaining consciousness, they find no trace of her body. A bit distraught the couple arrives in Tokyo to begin their new life. Meanwhile Ben begins noticing strange white blurs in many of his fashion shoot photographs. Jane believes that the blurs are actually spirit photography of the dead girl who they hit on the road, and that she may be seeking vengeance."
Magugulatin that I am, shout to the max na naman ang lola nyo. hihihi! Buti na lng lumipat kme sa baba, wla kme masyadong mga katabi kaya ok lng to shout to the highest level. Right after the movie, bili ulet kme ng Choco Loco Super and matched it with Cinnamon Sugar Pretzel sa Auntie Anne's (idea ni jesse ung pretzel). Ang tamis nga ng Cinnamon Sugar Pretzel, literal!
Twice yata namin naikot ang MOA (umikot lng talaga kc kahit SALE, pulubi kme ngaun. Bawal magshopping, masama. hehe!) nung mapagkasunduan namin na umupo sa tabi ng dagat at hintayin ang paglubog na araw (sweeeet!). Well, katulad ng ibang pagtatambay namin, kasama sa pagyoyosi ay ang panlalait sa mga taong dumadaan sa harap nmin (sorry po...). Nakakahawa kc c jesse e. Di naman talaga ko laitera, konti lng. Kasama sa nakita namin ay ung babaeng naka-dress na galing yata ng graduation (parang sobrang late na yata for graduation day ang april). Ayun nga, pink na dress na bakat ang panty. Bumili ng tubig si jesse dahil nabubulunan na kme sa hotdog na kinakain nmin. Habang lumalakad sya pabalik, nakikita kong hinahanap nya ung babaeng nakadress. "Sorry, nakaalis na babes, sayang. Bakat talaga ang panty pero di ko alam kung naka-bra kc nakahalukipkip. Tagal mo kasi e." Sayang wlang picture, lowbat kc ung battery ng camera. Next time...
Kinuwento ko sa kanya ung magjowa na nasa likod ko. Nung dumaan ung girl na bakat ang panty, I heard the girl saying to her jowa, "Cge, tumingin ka pa! Subukan mo!" Nyahaha! Ang tapang ng lola! Di ko nga lang nakita kung lumingon pa si jowa. Gusto ko sana lingunin at mag "bheeeeelaaaat, napagalitan ka noh!" Kaya lng baka sapakin ako e. hehe! Sabi ni Jesse, ung ibang girls daw naggagalit pag tumitingin sa iba ung guys, ako daw, ako pa nagtuturo sa kanya. Di nya alam, minsan lng un. hehehe! Nakalimutan ko sabihin sa kanya na, titingin lng sya pag tinuro ko, pag hindi, di nya pwede tingnan. :)
After ng sunset seeing (na natabunan naman ng ulap), magsisimba dapat kme kaya lng di pa pala tapos ung mass and mukhang un na ung last mass for that day. We hope we could attend mass on Sunday.... Sana nga. Dami ko na utang kay Lord e.
2 comments:
wow ang sweet naman ng past time nio...watching the sunset together...parang john lloyd and bea lang ah...bwahahaha....keep posting!!
try mo pre... ooopppss... cno naman pala sasama mo? baka si chippy available... :D
Post a Comment