Anak, may party ba? Kagabi ka pa yata di mapakali jan sa tummy ni mommy. Ewan ko kung natulog ka ba kagabi pero ako medyo nahirapan. Ang bigat na kasi ng tummy ko e. Pero ok lang yun. I will treasure everything about YOU! Tagal ka yatang hinintay ni mommy noh. Buti na lang mabait si Bro, napakaganda ng Christmas Gift nya kay mommy. 28 weeks ka na next week. Gano ka na kaya kalaki? At sino kaya kamukha mo? Si daddy kulang na lang mag lakad ng nakaluhod sa Baclaran para maging kamukha ka nya. Sino ba gusto mong kamukha? Si mommy o si daddy? Di bale, kahit sino naman sa amin, alam kong lalaki kang maganda, in and out. Basta anak, wish ko lang maging masunurin ka kay mommy ha. Kasi sa totoo lang, di ko alam kung anong klaseng mommy ako. Ang alam ko lang, excited na excited na akong makita ka. Gusto na kitang paliguan, bihisan, iduyan, patawanin, busugin ng pagmamahal.
Eto ung una mong picture... 6 weeks ka pa lang nyan.
Bago kita ilabas, papipicturan ulet kita jan sa una mong naging tahanan. Malapit na kitang makita... kakatuwa talaga.
Ay nga pala, nagpadala si tita mel ng mga damit ni Derek, sobrang cute ng mga onesies nya. Magthank you ka pag marunong ka na magsalita ah. :D
I LOVE YOU ANAK!
2 comments:
ngayon lang ulit ako napadpad sa iyong bahay...na-extra pala kami ni derek dito :D
anything for baby Zoe...more to come, pagpasenshahan lang po...am sure magiging cute and good girl yang si Zoe..like mommy??? :P
weeee! thanks again mommy mel and to derek too... mwah!
Post a Comment