Saturday, August 30, 2008

Binx = Simple

Ako ang klase ng babae na di tumatagal ng isang oras sa banyo maliban na lamang kung nasira ang tiyan ko at kailangan kong mamalagi sa loob nun at ilabas lahat ng kinain ko at kasabay nun ay ang panalangin na sana pati mga taba sa lahat ng parte ng katawan ko ay mailabas din sa pamamagitan nun. At kailan lang ang salitang Simple ay kasing kahulugan din ng BINX . ;-) Nakakarating ako kung saan-saan na walang pinagkaiba ang itsura ko kung nasa bahay lng ako.

Nasanay akong paggising ko sa umaga, diretso ligo ng 15-20 minutes, magbihis at pumasok. Sa totoo lng nagagawa ko ang lahat ng yan in less than an hour lng. But
Jesse keeps on bugging me. Babae daw ako, and I should act like one. Dati ang laman ng bag ko ay suklay at loose powder LANG. At oo, bihira din akong maglipstick. Di rin ako gumagamit ng kung ano-ano sa mukha ko like hESkinOL, dahil nga feeling ko nuon nagkakapimples ako at talagang nahihilo ako sa amoy ng mga nilalagay sa FEZ ko.

Pero ngayon, may kikay kit na rin ako! :-] Nagsimula akong gumamit ng lipstick, blush on (yung liquid lng), lip gloss, face powder, liquid foundation at siyempre di pa rin nawawala ang loose powder.

At last week nga ay nagkaron ako ng eye shadow. Huwag nyo po akong pagtawanan please. At huwag rin kayong magulat na ngayon lang ako gagamit ng eye shadow... at OO, DI PO AKO MARUNONG GUMAMIT NETO! :'(

Kaya naman, super search ako sa internet how to put on make up, especially eye shadow. At eto, nakita ko... dun sa mga katulad ko jan sa tabi-tabi, samahan nyo kong magexperiment ng mga pamumukha natin! ( Dami ko
natutunan ngayon month na to ah! :) )




10 comments:

JesSe said...

Good Job! your doing your homework.. hehehe

Anonymous said...

wala bang star jan sir? :D

sheng said...

oi sis! dalaga ka na:)hehehe

salamat sa entry na ito... ngaun alam ko na rin kung paano maglagay ng eyeshadow...

Anonymous said...

buti naman at marunong ka na.. kc ako... di pa rin! waaaaah!

Anonymous said...

hay wag kang mag-alala, ako di rin marunong gumamit nyang mga anik anik na yan. ang importante talaga, mag moisturize at mag linis ng mukha; at sempre ang pagiging tunay na maganda ay asa loob talaga nang-gagaling :)

Anonymous said...

naku mami, love na love na talaga kita.. lagi mo ko dinadalaw.. baka may mga beauty tips ka jan. feeling ko pumapanget na ko e. :( Ano ba pinakamagandang paraan para di magkawrinkles? :D

niko said...

ate binx, whats in a box?? wala ako masight.. huhuh

neweys, punta ka sa watsons sm dasma, ung babaeng manipis kilay na nasa nichido section gagawan ka nang makeover na gusto mo... pramis, ako nga inayos kilay ko, nilagyan ng blush on, lipstick etc..

ending napabili ako pero hayus lang kc now yun at yun lang nilalagay ko sa fes ko.. sabi nmn ni swetness, ganda naman daw! bolero :D

parang di na pang comment to, another entry mo na lang fu like.. hihihi hahaha LOL

Anonymous said...

uy gusto ko yan, total makeover! cge daan ako dun pag umuwi ako ng dasma. sana andun pa sya.. hehe!

Anonymous said...

naku, labs din kita, haha. alam mo, wag ako tanungin mo dyan, basta ang alam ko, wag kang parating naka simangot at maganda dapat disposisyon mo sa buhay, ayun, wiz ka wrinkles :D

Anonymous said...

may kilala ako average ng isang oras sa banya. may listahan pa ng step by step procedure ng ginagawa sa banyo. LOL