skip to main |
skip to sidebar
The Incredible Hulk
So far, this is the BEST Movie we've watched this year... Yep, sobrang ganda as in mapapailag ka kapag may lumilipad na mga sasakyan. From start to end, the movie is full of action. Buti na lng sa Waltermart ulet kame nanuod. Malapit ang screen at di crowded. Mas maganda sigurong panuorin ang movie na to sa IMAX Theater. Sa IMAX kasi dahil nga daw 3D, pag may lumilipad na bagay, para kang tatamaan or naglalakad papuntang camera, parang mababangga ka... so ang tendency, mapapatili ka or mapapailag ka talaga. Sa Incredible hulk, may scene na nagliliparan ang mga sasakyan, nagtatakbuhan ang mga tao, naghagis ng kadena at kung ano-ano pa magugulat ka talaga! Dun sa mga nakakakilala sken, imaginin nyo na lang kung pano ko nanuod! hahahah! Ganda ng pagkakagawa na halata namang pinahirapan. Although marami ng movies na may kaparehong mga effects, kakaiba pa rin ung story ng Incredible Hulk ngayon, DI KATULAD nung pinanuod nmin nung Sunday.
The Happening
Magsswimming dapat kme ni Jesse nung Sunday pero dahil mahal ang gasolina, tinatamad na kme sa layo ng pupuntahan nmin, napagpasyahan namin pumunta ng lang ng Mall of Asia at dun magpalamig. At tutal naman nandun na rin lang kame, nanuod na rin kme ng sine. Lahat ng movie na nasa list napanuod na namin except for Carefiver at The Happening. At katulad nga ng sabi ng nanay ko, di daw maganda ang Caregiver at di pumasa sa panlasa nya, kaya napagkasunduan namin panuorin ang The Happening. Waaaaah! Muntik na ko mapatumbling palabas ng sinehan hindi dahil sa ganda ng movie na to kundi mali ang title nya! Mas maganda siguro kung ang title na lng nya ay "NOTHING HAPPENED"!!! Baka sakali di na lang nmin sya pinanuod. Ang tindi ng movie na yun! Kadiri ung ibang scene na pinakita kung pano mamatay ung mga tao, mga taong nawala sa sarili at tumalon ng building, nagbaril sa ulo at tinusok ang sariling leeg... yah! napakita nila lahat yun! Pero naman, ang mga bida, parang nag-spoof lang ng movie kung magsi-arte! Di ko talaga malaman kung ung director/writer/producer e nawalan na lang ng idea kung pano tatapusin ang movie kaya in less than five minutes sinabi na lng na "algae from the water affected the air which killed so many people" or something to that effect. Ginoo.. hanube! Nakakahinayang yung almost 400 na binayad namin dun ha! Grrrr... At di rin lang pala ako ang nakapansin nun... paghawak ko ng pc ko, super browse agad ako ng mga reviews about it na dapat ginawa ko muna bago kame nanuod. Siyempre pa, ang pinakareliable na site na pwedeng magbigay na reliable na reviews... ang rottentomatoes.com ang isa sa tiningnan ko. Nakakatawa ung mga reviews nila. Si Shyamalan pala ang may pakana ng lahat. Click nyo na lang yung link para alam nyo kung sino mumurahin nyo!
No comments:
Post a Comment