Tuesday, May 13, 2008

Weekend at ANaWAnGiN






Daming beses ko na ring narinig na may bagong tuklas na beach sa bandang Zambales. Nakita ko na rin ang mga
pictures neto online and nacurious talaga ko kung talagang maganda talaga sa beach na yun o sadyang magagaling lang kumuha ng pictures ang mga nagpost nun sa Internet. Kasama ang mga officemates ni Jesse at ilang kaibigan, nagkasundo ang grupo na magkita-kita alaskuwatro ng madaling araw sa Victory liner sa Cubao. Olongapo ang una naming destinasyun dahil walang byaheng Zambales ng madaling araw.

Akala namin kame na ung huling dumating, di pa pala. Wala pa si Boss Em. Dumating sya na ang dala lang dalawang bote ng tequila. Yun pala, tinakbo ng taxi driver ung mga gamit nya habang bumibili sya ng alak. Ayun sa kanya, pangatlong beses na hinto nila yun ng biglang nawala na lang ang hinayupak na driver! Sumalangit nawa ang kaluluwa nya (di ko alam kung binawian na talaga sya ng buhay pero malamang oo, dahil sa sama ng loob ni Em, di man nya pinahalata smen, alam kong inis na inis sya dahil kasama ng mga gamit nya pangswimming at mga kikay kit ay ang kanyang pinakamamahal nyang ipod!) Haayz, buhay nga naman. Buti na lng GO pa rin sya. Sama pa rin kahit sarili nya lng ang dala nya. Cool di ba?

Umalis ang bus ng 4:30AM at nakarating kme ng Olongapo ng 7:30AM. Dun na bumili si Boss Em ng mga gamit nya at dun na rin kme bumili ng iba pang pagkain na kaya nmin dalhin. Isang kasama pa nmin ang humabol (bigla nya kasing narealize na may lakad pala sya...hehe! Peace RJ) kaya kinailangan nmin syang hintayin. 9:30AM kame nakaalis ng Olongapo at dumating sa bayan ng San Antonio, Zambales ng mga bandang 10:30AM. May mga kailangan pa ring bilhin kaya tumakbo muna kme sandali ni Jesse sa palengke na pinakamalapit. 3 tricycle kme papuntang Pundakit kung saan naghihintay ang bangka ni Mang Alfred para ihatid kme sa Anawangin. Buti na lng mabait ang maybahay ni Mang Alfred at pinahiram kme ng kutsilyo, kalderong saingan, cooler at binigyan pa kme ng isang plastic ng manggang hilaw. Napakaalon ng dagat. Parang ayaw kaming papuntahin ng Anawangin. Pero dahil matigas ang ulo namin, GO pa rin kme. Dalawang bangka ang gamit namin papunta dun. 30min ang byahe ng bangka mula Pundakit hanggang Anawangin. Napakaganda ng VIEW! Sayang wala akong waterproof camera di tulad ni
Andrew. Sarap sanang picturan ang mga matataas na bundok na parang mga naka-arrange, mga alon na humahampas sa mga naglalakihang bato at ang mga matataas na pine trees sa shore ng Anawangin. Kung magttrek ka papuntang Anawangin, aabutin daw ng limang oras, tatlong oras kung mabilis ka. At kung gagawin mo nga yun, mas maganda siguro kung gabi ka aakyat o sisiguraduhin mong hindi tirik ang araw kung hindi, magkakaron ka ng isang matinding tan line katulad ng kay Jesse. Partida di pa kme nagtrek nyan.



Pagdating sa Anawangin, may dalawang campsites dun na may bayad. Isang 50 pesos per head at isang 150 pesos per head. Mas maganda dun sa 150 per head kaya dun kme nagcamp. Pumayag ang mayari na 1000 pesos na lang kmeng siyam. Salamat ulet kay Mang Alfred na syang nakiusap sa may-ari. May dala kameng marinated BBQ na ginawa ni Jesse nung gabi bago kme umalis. Actually kinakabahan sya kung ano lasa pero it turned out MASARAP ang pagkakagawa nya lalo na siguro kung luto! nyahahaha! Yung iba kasi di masyadong naluto e. Lakas kasi siguro ng apoy namin. Sa halagang 300 pesos isang tao para sa food, nakakain kme hanggang bago umalis kinabukasan. Deadspot sa Anawangin... as in walang signal kaya naman si RJ na kapatid ng boyfriend ni Dea na si Ramon na officemate ni Jesse na boyfriend ko (ang haba ba? hehe) di magkandaugaga dahil di nya daw alam na walang signal dun at di sya nakapagpaalam kay GF. Hmmm... nagalit kaya si GF? Di naman siguro. Wala ring kuryente dun kaya naman maraming salamat kay Ross sa ilaw na pinahiram nya. May dala rin kameng tent courtesy of Andrew, Ross and Bugoy. Maraming salamat mga repapips! Wala ring tubig duon maliban sa tubig poso. May baon kameng drinking water na 5 gallons. Nagkasya naman. Habang nagluluto ang iba, nagpasya ang iba na magswimming. Maya-maya lng bumalik sila na mga "sugatan". Dahil sa tindi ng alon, ilang beses silang sumubsob sa buhangin. Sabi ng maybahay ni Mang Alfred, simula na daw na laging maalon ang dagat (dahil siguro tag ulan na?). Maaga kmeng naghapunan at nagpahinga sandali.



Inubos ang dalawang bote ng tequila (maliban sken na di na nakihati) habang bumabangka si Jep. Habang nagtatagay si Jep may mga tanong sya na "What is the scariest moment of your life?" Akala ko may kasunod pang "How will you describe the rainbow to a blind man?" Hehehe! Buti na lng wala dahil sigurado mano-nosebleed ako. Pagkatapos nilang mag-agawan sa iilang patak ng tequila na natira (ganyan talaga pag kulang), nagpunta ang mga boys sa woods gamit lang ang mga flashlights nila at ang tissue. Yes, tissue na ginawa nilang tanda sa daan. Medyo kinabahan pa nga daw sila dahil sa dami ng tissue na nakakalat. Kame nman na natira (Em, Dea and ako) "nagkwentuhan" na lng tungkol sa mga bagay-bagay na di ko pwedeng ilagay dto. hehe! Habang si Jesse nauna ng natulog dahil sa pagod. Mga hating gabi na ng matulog na din kme.

Kinaumagahan, pagtapos ng almusal, inakyat nmin ang isang bundok upang makita ang kagandahan ng paligid. BREATHTAKING nga naman talaga! Picture-picture ulet, tapos baba tapos kain tapos tapos alis ulet...Bilis noh? Pagod na ko magtype e. heheh! Ngapala, walang ibang makukuhaan ng tubig dun kundi poso! Napagtyagaan naman...

Dun sa mga nagbabalak pumunta, eto po ung expenses:
VictoryLiner Bus in Cubao to Olongapo (3hrs) ---> P282
Ordinary Bus from Olongapo to San Antonio, Zambales (1hr)--->P35
Tricycle from San Antonio to Pundakit Zambales (20min) ---> P80
Boat from Pundakit to Anawangin (30min) ---> P1300
Food (dinner and breakfast with chicha and drinks) ---> P350
Ang maaring gastos ng isang tao pagpunta dun ay di lalagpas ng P1500. May mga kakilala nga pala kme na nagaarrange ng mga ganitong akyat sa Anawangin sa halagang P2000 "tumaas na bigas, karne, condiments, diesel etc... sya n lang nde tumaas" kasama na ang Van at Cook. Pwede na di ba? Di ka pagod sa pagcocommute at may mag-aasikaso sa pagkain nyo.
for more PICS... click here and here and here.

No comments: