Habang papunta ko sa office kanina, nagtext na ko sa nanay ko.
"Nay, Happy Birthday! Utang muna gift ko sau ha! Taghirap ako ngaun e."
na nireplayan nya naman ng..
"Tnx ok lng dn klangan gift, c be2 nggwa kgbi ng mkroni slad c tin yta magspghti, dba kau uwi?"
Yan si nanay na simulang matutong magcellphone at magtext, lahat na yata ng pwedeng paikliin, pinapaikli! Kaya ako, babasahin ko muna ng mga 3 beses bago ko maintindihan.
Example: Nung time na nasa hospital sila ni papa para magpacheckup. Tinanong ko kung nasaan na sila.
"D2 n me?"
"Di nyo kasama si papa?"
"Kasama"
Ang ME pla ay KAME. Asus... Pero mahal ko yang nanay ko.. kahit makulit paminsan-minsan gusto ko pa rin syang patayuan ng munomento katabi ni Rizal. Sa mga nakakakilala sa pamilya nmin, tiyak na pati sila sumasang-ayun sken.
Iyon pa lang pag-aalaga ni nanay kay papa sa loob ng apat na taon ay sapat na para parangalan sya bilang pinakadakilang babae sa balat ng lupa. Pero siyempre, di mawawala ang pasasalamat KO na ng dahil sa kanya, MAGANDA AKO NGAUN. Ok ok, hindi masyado. Cute lang. hehehe!
5 comments:
hanudaw? :D
Hapi berdey nanay!!
:D
ang cool mag text ng nanay mo. hahaha! pasabi na lang haberdey :)
Post a Comment