Thursday, August 23, 2007

Calendar of Events

Tagal ko di nagpost ah! hmm... kakamiss!
makapagrecall nga muna...

August 1. I started with HP Philippines.

August 7. Birthday ko eto folks... umulan. bumagyo. bumaha. 1st day ng dere-deretsong ulan na matagal ng hinihintay ng marami dahil kulang na daw ng supply ng water. pasalamat cla sken, nagbirthday ako kaya umulan. Umaga ng bday ko, inaway ako ni Jesse (o di ba ang bait!)Pagdating ng hapon, kame rin nman magkasama. On my way to Glorieta, super tawag mga officemates ko, greeting me hapibday. Maghapon ko nga naman cla kasama, di man lng naramdaman na bday ko... heheh! Kung nagRed cgro ko baka maramdaman nila... hehehe! Nuod kme ni jesse ng Initial Screening ng Bourne Ultimatum which was showing pa the following week. Tpos uwi. Tpos tulog. Parang di bday noh? =(

August 12. Happy Birthday ng SOM folks. Kasama ko si kagandahang Sam (Hausmate) punta ng SOM. Lunchtime na kme dumating. Naglunch lng sandali then GO na sa SOM Adlas. Mga first year kuyas ang handle ng batch nmin. Daming candies para sa kanila, dala ng mga alumni, prizes ng mga winning families sa games. 13 families hawak namin, cgro nasa more or less 500 students yun. Kakangarag. Akala ko paos ako the next day, buti na lng hindi. At eto pa, may Algorith Dance din pla sa SOM. Kakatuwa ung mga bata! Ung buong gymnasium sakop nila! Galing-galing!

No comments: